Search This Blog

Wednesday, September 19, 2012

Steps to Stop Drinking Alcohol

It is possible to stop drinking alcohol. Here are some easy steps which you can do in order to beat the habit on your own. This will serve as your guiding lines to totally get out of alcohol problems.

Everybody can stop drinking alcohol. Even those people who are strongly addicted to the substance will get his feet into success.

Is this true? Can we quit drinking alcohol? Can we REALLY give up a strong addiction that has become our daily habit? Is there really an exit door to alcoholism? If so, is it possible to get out of it and recover from it even if we are hooked to the habit for a very long period of time?

Drinking excessively can bring disaster to our personal, health and love life. We don’t have to enumerate all the bad effects of alcohol to our life in order to know the consequences. It is obvious that it can make our lives miserable and disorganized if we allow alcohol control over the situation.

Lucky for us, there are lots of effective ways on how to quit drinking, beat alcoholism and recover from its negative effects. Here are some tips to quit drinking which can help everyone kick off the habit.

While there are many steps in stopping drinking, the initial step to consider is to admit you have a problem related to drinking. It may not be easy but as you accept your mistakes, you will find your self seeking for help and will be willing to undergo treatments and procedures. Sometimes, it will take a while to admit but as you take little steps, you will discover that you are willing to give up the habit and push your plans to quit drinking alcohol. I strongly recommend also taking some time to understand the real score before going in an alcohol treatment. This situation can prevent wasting time and effort in stopping drinking. It will allow you to concentrate on the problem and making an effort to solve it once and for all. Ask medical experts and alcoholism doctors to ensure the safety and smoothness of the process.

Ask medical advice from doctors

If you decide to stop drinking alcohol on your own but failed, you might as well ask assistance from doctors who know how to handle this kind of situation. They can provide you guidance as well as supervision on your desire to stop drinking alcohol. They can give you medication when experiencing withdrawal symptoms which can ease the pain and sufferings. There are also detoxification programs and rehabilitation methods which they can recommend in order to fully get rid of the toxins and bad addictive substances in your body.

Act and React

There are obstacles that can ruin your plans to stop drinking alcohol. You should stick to your path and focus on the problems. Never get discourage when things seem a little complicated. It is normal to experience setbacks but the important thing is to rise when ever you fall. Keep your mind busy all the time to get rid of the thoughts that will trigger you to drink. Choose to be happy and do the things you enjoy doing rather than having a drink with your drinking buddies. You can also consider engaging to some physical activities in order to be physically fit and cope up with the changes of your system.

Supports from family and friends can play a big role.

It can help a lot in achieving your goal if you have the supports from your family. They can motivate you to continue with the process and they can remind you to be strong and firm in dealing with alcoholism.

Monday, September 17, 2012

Ikaw ang Gagawa ng Desisyon

Ikaw ang gagawa ng desisyon, ikaw ang titigil at magpapaganda ng iyong buhay. Ikaw ang siyang gagawa ng paraan upang makontrol mo ang iyong hindi makontrol na bisyo. Ikaw at walang ibang tao kundi ikaw.

Hindi ko sinasabi na ang lahat ng umiinom ay nakagagawa ng mali. Marami pa ring tao ang kontrolado ang kanilang pagsasaya at pakikipaglamyerda pagdating sa pag-inom ng alak. Sa akin, hindi ganoon ang nangyayari at alam kong, mas marami pa ring negatibong pangyayari ang dala-dala ng pag-inom ng alak kaysa sa kasiyahang naidudulot nito. Mas marami pa ring tao ang naaapektuhan pagdating sa ganitong gawain at kahit ang mga miyembro ng pamilyang hinid naman kasali sa pag-inom ng alak ay nagkakaroon ng mga epekto. At kahit hindi naman sila kasama sa pagsasaya ng taong umiinom, kasama sila sa mga problemang hated ng paglalasing. Sa katunayan, kung social drinker ka, sigurado akong nakaranas ka na rin ng blackout. At kung

Walang ibang tao, bukod sa iyong sarili, ang makatutulong sa iyo sa pagtanggal ng iyong bisyo. Ikaw ang higit na nakauunawa sa iyong pagkatao at sa iyong personalidad. Ikaw ang mas higit na nakaaalam kung ano ang nararapat sa iyo dahil ikaw ang nakatatalos ng iyong kagustuhan, damdamin at kaisipan.

Maaaring mabigyan ka lamang ng iyong mga kaibigan ng moral supports at encouragements pero ikaw pa rin ang siyang magdedesisyon ng pagtigil mo sa naturang bisyo. Maaaring mabigyan ka ng motivations at inspirasyon ng iyon pamilya ngunit sa pagtatapos ng araw, ikaw pa rin ang siyang gagawa ng paraan upang lubusang maka-recover sa iyong kondisyon.

Mahirap ang ganitong sitwasyon kung ikaw ay lulong na lulong na sa alak. Ito ‘yung tipo ng kondisyon na hindi na “mabubuhay” kung hindi iinom, ‘ika nga. Kinakailangan mo ang tulong ng isang espesyalista at mga doctor upang maging ligtas ang iyong pag-quit. Sa mga taong wala pa sa ganitong sitwasyon, maaaring maging madali para sa kanila ang paghinto. Kailangan lamang nila ang matibay na determinasyon at matatag na desisyon upang lubusang matanggal sa negatibong gawaing ito.

Saturday, September 15, 2012

Dapat Kang Tumigil, Period

Dapat Kang Tumigil, Period

Halatang-halata naman na ang sobrang pag-inom ng alak, lalo na kung araw-araw ay nakasisira ng relasyon, trabaho, personalidad at kalusugan. Marami na tayong nakitang mga tao na sadyang nasira ang buhay dahil sa paglalasing. Hindi birong bilang ng mga aksidente sa kalsada ang bunga ng labis na pag-inom ng alak. Hindi kayang bilangin sa daliri ang mga gulo, krimen at violence ang nagaganap araw-araw na ang maituturong dahilan ay ang pag-inom ng sobra sa kakayahan ng isang tao.

Huwag nang idagdag pa dito sa listahan ang mga pamilyang apektado ng ganitong addiction at mga pagkakasala sa kapwa na maiiwasan sana kung natuto lamang ang mga tao sa tamang pagkontrol ng alak sa kani-kanilang buhay. Ang alcoholism ay ang pinakatalamak na dahilan ng pagkasira ng buhay ng taong mayroon nito at pagkakaroon ng mga epekto sa mga taong nakapalagid sa kanya.

Masarap uminom, ngunit marami pang bagay ang mas masarap na hindi magdudulot ng mga problema. Kaya nga ang isang taong nakararamdam na ng mga masasamang epekto at nakararanas ng mga problemang kaakibat ng alak sa kanyang buhay, nararapat lamang talagang tumigil na sa pag-inom. Walang pero-pero, walang suba-subalit. Dapat kang huminto, tapos, period.

Kung hindi mo makontrol ang pag-inom ng alak, dapat na lalo mong gawin ang pagtanggal sa bisyong iyan upang makaalpas sa sinasabing alcohol addiction. Maaaring mahirap nga ang paglabas sa ganitong sitwasyon at kondisyon ngunit kung patuloy na mangyayari ito sa buhay ng isang tao, siguradong mas magiging mahirap pa ang paglabas dito. Unti-unting magiging malakas ang pagkagumon na maaaring makarating sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Kung titigil sa pag-inom, siguradong magiging maganda ang buhay at magiging kapaki-pakinabang ang nalalabing sandal na maaaring gugulin sa iba pang mas magagandang gawain bukod sa pagsasayang ng oras at salapi sa alak. Mae-enjoy ang buhay at malalayo sa mga peligrong dulot ng alcohol sa kalusugan at sa buhay.

Ikaw ang kikilos kaya’t nararapat lamang na pag-aralang mabuti ang procedures at programang gagawin upang makasigurong hindi magkakaroon ng mga komplikasyon. Kailangan mong magkaroon ng sapat na determinasyon at disiplina sa sarili upang makahinto sa bisyong nagtutulak sa iyo sa maraming problema. Dapat mong piliting magkaroon ng malakas na desisyon upang labanan ang matinding pagnanais na uminom.

Makatutulong na makasanayan ang sinasabing determinasyon. Ilayo sa isip ang anumang negatibong mga pananaw at maging positibo sa bawat sandali. Magsabi ng mga nararamdaman sa ibang tao upang makalaya ang mga negatibong ito.

Thursday, September 6, 2012

Tungkol Dito

Gusto Kong Makatulong

Gusto kong magsilbing “isang babala” sa mga tao, (lalo na sa mga kabataang hindi pa umiinom) upang hindi na sila uminom pa hanggang sa kanilang pagtanda.

Gusto kong maging isang “mabuting aral” na mapupulot ng mga taong umiinom (at naglalasing o nagsisimulang abusuhin ang alak) upang makaiwas na sila at makaiba na ng landas na dinaraanan.

Gusto kong maging “isang tuwid na daan” sa mga taong lulong na sa ganitong bisyo (at nakararanas ng mga paghihirap bunga ng alcohol) upang makapagbagong-buhay at makapagsimula na muli.

Alam ko ang mga epekto ng alcohol addiction, galing na ako sa pangyayaring iyan. Alam ko ang mga “komplikasyon” ng pagkakaroon ng ganyang bisyo sa pagkatao, sa kalusugan, sa pamilya, sa lipunang ginagalawan, sa buhay espiritwal at sa halos lahat ng aspeto ng buhay. At hangad ko na walang sinumang tao ang makaranas ng aking naranasan. Alam kong wala ring tao na gustong dumanas ng maraming hirap sanhi ng paglalasing at pag-abuso sa alcohol. Kaya, kung gusto mo ring maging maayos ang sarili mong buhay o ang buhay ng iyong kaibigan o kakilala, dapat mo silang tulungang makaahon.

Ngayong nakakawala na ako sa sitwasyong naglubog sa akin sa kumunoy ng buhay, hindi ba nararapat lamang na ituro ko ang lugar kung saan ako nalubog upang hindi na madaanan ng iba? Hindi ko naman puwedeng takpan at gawan ng paraan ang kumunoy na ito sapagkat imposibleng papaglahuin sa isang iglap ang mga bisyong ito sa ating mundo sa kasalukuyan. Ang tangi kong magagawa ay ang bigyang-babala ang sinumang maaaring tumuntong sa kumunoy na iyon.

Sa pagnanais kong maging “isang babala”, lalo na sa mga kabataang nagsisimula pa lamang makatuklas ng kani-kanilang buhay, maging isang “mabuting aral” sa mga taong tumutugpa sa bisyong sisira ng kani-kanilang pag-asa at maging tuwid na landas sa mga taong narito na sa putikan at nagnanais na mabago ang kanilang kinabukasan, ginawa ko ang blog na ito:


Ang blog na ito ay (maaaring) naglalaman ng mga negatibong pangyayari noon sa buhay ko. Hayaan ninyong ikuwento ko ang mga pangyayaring ito upang kahit na paano ay kapulutan ng aral ng sinumang magbabasa.

Hindi ko iuutos sa iyo na huminto ka na. Buhay mo iyan. Kailangang ikaw ang magdesisyon. Dapat na sa iyo manggaling ang unang hakbang. Ipakikita ko lamang sa iyo, sa pamamagitan ng blog na ito, ang ilang mga bagay at pangyayari na siyang gumising sa akin upang tumigil na sa pag-inom ng alak. Baka sa pamamaraang ito, mahikayat kitang i-give up na rin ang ganitong bisyo.

Maaari rin akong magbigay ng mga tips at magbahagi ng mga pamamaraan na pwede mong gawin upang maging mas madali ang iyong paglalakbay. Ngunit ipinauunawa ko sa iyo na dapat nating i-consider ang ilang factors bago tayo magsagawa ng anumang hakbang. Walang alcoholic na magkapareho ng sitwasyon at kondisyon. Nangangailangan ang bawat isa ng indibidwal na pamamaraan o procedure upang maalis ang anumang lubak sa paglalakbay.

Kung ikaw ay may malalang kondisyon at nakakaranas ng anumang pisikal na sintomas (alcohol withdrawal symptoms kahit na ito ay maliliit lamang gaya ng pagsakit ng ulo at katawan habang nasa proseso ka ng pagtigil sa pag-inom, kailangang magpakunsulta kaagad sa isang doctor. Hindi natin dapat ipagsawalang-bahala ng mga alcohol withdrawal symptoms dahil ang mga iyan ay maaaring lumala at mauwi sa iba’t ibang kumplikasyon na magiging daan ng iyong paghihirap.

Kung ikaw naman ay naniniwalang makakaalis sa bisyong iyan, gamit ang mga pamamaraan na ginawa ko, gawin mo. At sabay nating i-enjoy ang ating buhay, kasama an gating pamilya, nang WALANG TAGAY.

Tuesday, September 4, 2012

Quit Alcohol - Ang Simula ng Paglalakbay

Pagsisimula sa Pagtanggal ng Bisyo

Huwag muna nating pag-usapan ang huling bahagi, ang recovery stage. Pag-usapan muna natin ngayon kung ano at saan ang simula, ang starting point. Mahirap mag-quit. Totoo. Ito’y isang bisyo na naging bahagi na nang katawan at isipanat nakakapit nang mahigpit. Kung pipilitin kong tanggalin sa pagkakakapit at lalabanan ko, sarili ko ang magiging kaaway ko. Kaya dapat, planado ang lahat ng gagawin. Dapat umpisahan ko sa simula para kapag dumating na sa gitna at sa hulihang bahagi, magiging mas madali na ang gulong ng proseso.

Walang taong nanood ng pelikula na inunang panoorin ang credits bago ang opening remarks. Gaya din sa pag-alis ng bisyo, kailangan kong daanan ang simula para maging epektibo. Kung pipilitin kong umalis sa bisyo na hindi ko muna natutukoy ang starting point, baka magkaroon ng mga komplikasyon bago ako makarating sa finish line.

Ang pagkilala at pag-unawa ng lubusan sa aking sarili ang pinakamabisang paraan na ginagawa ko upang mapaglabanan ang alcohol addiction. Alam ko, ang sarili ko ang ka-partner ko. Hindi ako magtatagumpay kung hindi ko pakikilusin ang sarili ko. Maaaring alalayan ako ng aking pamilya at mga kaibigan sa pagtakbo, ngunit kung hindi ko ihahakbang ang aking mga paa, walang mangyayari. Mangingitlog ako sa kangkungan. Ako dapat ang sentro ng lahat ng ito. Ang lahat ng pagsisikap kong tumigil sa pag-inom ay dire-diretsong aagusin ng tubig at mauuwi lamang sa wala ang lahat kung hindi ako ang nakasentro. Ang pagkakaroon ko ng lubos na unawa sa aking sarili ang siyang kakampi ko sa paghinto sa pag-inom. At isa sa mga batas ng pagsasama ang lubusang pagkilala ko sa aking ka-partner.

Ngayong mag-tatatlong buwan na akong tumigil sa pag-inom ng alak (quit alcohol), nagbabalik-gunita ako. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari noon. Kaya lang, sa kasamaang-palad, hindi ko maalala kung bakit ako nagkaroon ng ganitong kondisyon. Mas marami pa yata ang nakalimutan ko kaysa sa naaalala. Hindi ko na maituro ang mga dahilan kung bakit ako umiinom. Pilit kong binabalikan ang nakaraan, ang mga panahong hindi ko kayang mabuhay nang wala ang alak. Umiinom ba ako at naglalasing noon dahil ako’y masaya? O dahil sa ako’y malungkot ako? O bigo. O nagtagumpay. O may galit sa puso. O dahil marami lang naglalarong kaisipan sa utak ko. At naghahanap ng mapagbabalingan. O baka dahil sa gusto ko lang na may kausap o kakampi o kasama. Na pwede kong pagsabihan ng mga naiisip at nararamdaman ko. O baka maaaring wala talagang mga dahilan. Na kaya lang ako umiinom ay dahil wala lang. Dahil sa simpleng “gusto ko lang”.

Ang mga tanong na ito ang nagsilang ng ideyang kailangan ko MUNANG makilala ang aking sarili para makahinto ako ng epektibo at mapanatiling hindi umiinom sa mga susunod pang mga araw. Alam kong narito ang mga ugat ng problema - sino nga ba talaga ako?

Alam ko ang pangalan ko. Alam ko rin kung saan ako nakatira. Alam ko rin kung ilang taon na ako dito sa mundo. Kahit nga lasing ako, tanungin mo sa akin ang mga tanong na iyan at asahan mong masasagot ko kahit na pagiray-giray at pautal-utal. Alam ko ang kulay ng buhok ko. Alam ko na may nunal ako sa kanang pisngi, sa may tabi ng labi. Kaya lang, hindi naman sinasagot ng mga iyan ang tanong kung sino talaga ako. Mga bagay lamang iyan na tungkol sa akin, naglalarawan sa akin. At hindi iyan makakatulong sa paglutas ko ng mga problemang kaakibat ng alcohol addiction. Ang pagkilala sa aking sarili ay higit pa sa pagkaalam sa pangalan at edad, sa address ng tirahan. Higit pa ito sa pagkakaroon ng kaalaman sa kung ano ang kulay ng mata o buhok. Ang pagkilala sa tunay na ako ay nasa kabila pa ng mga iyon. Nasa loob ng dibdib, sa loob ng puso… doon sa mga pinag-ugatan ng mga damdamin.

Kung gusto ko si ganitong artista o ganoong personalidad, inaalam ko kung ano ang kanyang mga nararamdaman sa pamamagitan ng Twitter at Facebook. Sinusundan ko ang kanyang buhay. Hindi ba dapat na higit lalo kong alamin ang aking mga damdamin at sundan ang aking buhay kaysa sa ibang tao?

Nasa proseso ako ngayon ng pagkilala at pag-alam kung sino ako. Sa kabuuan nito. Malakas ang paniniwala ko na kailangan kong alamin muna kung ano ang pagkatao ko, sa pangkalahatan. Ang lubusang pag-unawa sa naiisip at nararamdaman ko ang siyang magdidikta ng tamang pagkilos upang mapigilan ko ang bisyong matagal nang umaalipin sa akin.

Sa ngayon, nagkakaroon na ako ng mga ideya kung bakit ko nararamdaman ang mga damdaming iyon. Unti-unti ko nang nalalaman kung bakit ako umiinom. Sa unti-unti kong pagkilala sa aking sarili, natutunan kong tukuyin kung ano ang mga problemang nagtutulak sa akin sa ganito at ganoong sitwasyon, kung bakit ako umiinom nang labis sa aking kakayahan. Sa unti-unti kong pag-unawa sa aking mga damdamin, natutunan ko itong kontrolin.

Nagdedesisyon lang pala ako noon dahil sumusunod lamang ako sa agos ng buhay. Pumipili ako ng daan hindi dahil iyon ang tama kundi dahil iyon ang inaakala kong makapagpapasaya sa akin. Kumikilos ako noon kahit hindi ko alam ang magiging hangganang resulta. Kung nakilala ko na sana noon pa man ang sarili ko, hindi na sana nagkawindang-windang. Hindi sana nagkaletse-letse pa. Ang tunay na ako ay naitago nang hindi ko sinasadya dahil sa madalas kong paglalasing. Natabunan nang alak ang tunay kong pagkatao. Naroon sa ilalim at nadaganan ng mga epekto ng alcohol. Mga masasamang epekto na naging daan upang lalo pang yumabong at madagdagan ang mga problema kaysa magawan ng paraan.

Nalalaman ko na rin nang unti-unti kung ano talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko, ang mga priorities na matagal ko na ring hindi napagtuunan ng pansin at ang mga bagay na makapagpapasaya sa akin. Nakikita ko na ang guhit ng mga plano’t balakin na dapat kong pinagsumikapang gawin noon.

Sayang ang oras kung hindi gugulin sa mahahalagang bagay. Tama ring mag-enjoy paminsan-minsan, ngunit mas maganda kung nag-eenjoy ako nang hindi nagsasayang ng oras sa walang kapararakang bagay. Mas maganda kung nag-eenjoy ako kasama ng aking mga mahal sa buhay.

Ngayong nagsisimula kong kumpunihin ang buhay ko sa pamamagitan ng pagsisimulang muli, pinipilit kong hagilapin ang mga piraso ng mga natabunan. Para sa akin, sa aking pamilya at sa kinabukasan. Kikilalanin ko muna ang aking sarili ng lubusan at bukas, sa pagbubukang liwayway, makikita ko ang sarili kong matatag sa pagkakatayo at masayang kumakaway.

Monday, September 3, 2012

Kumilos na Ngayon – Quit Alcohol Now

“Ang akala ko noon, may isang kabayong puti na may nakasakay na prinsipeng nakasuot ng makintab na uniporme tulad noong unang panahon na lilitaw sa harapan ko at sasagipin ako sa kinasasadlakan kong addiction. Matagal akong naghihintay ngunit hindi siya dumating. At sa paglipas ng mahabang-mahabang-mahabang panahon, mas lalo lamang lumala ang dati nang malalang kondisyon ko.”

Walang ibang makakapagpanumbalik sa dati kong malusog, tahimik at normal na buhay kundi ako. Ako lang ang higit na makatutulong sa aking sitwasyon. Ako lang ang maaaring magdikta ng aking recovery mula sa mapang-aliping alcohol addiction na ito. Kalokohan lang ang puting kabayo at ang prinsipe. Wala ngang totoong tao na makakasagip sa akin kundi ako. Lalo namang walang magical wand o paraan man na siyang mag-aahon sa akin mula sa aking malalang sitwasyon.

May mga taong tumutulong pa rin naman sa akin. Nagpapasalamat nga ako sa pamilya ko na laging nariyan upang sumuporta sa pagtigil ko sa alak. Pero, hanggang suporta lang ang maibibigay nila. Hindi nila ako pwedeng paikutin na ayon sa kanilang kagustuhan. Kung ayokong magbago, hindi nila ako kayang maikilos tungo sa gusto nilang ayos at porma. Sa realidad, ako talaga ang dapat kumilos. Ako ang sentro dito dahil ako ang dapat na magbago.

Kailan? Hindi bukas, hindi sa isang bukas, hindi sa isang buwan.

NGAYON.

Hindi pa huli ang lahat, alam ko. May pagkakataon pa para sa pagbabagong-buhay. Kaya nga ako nagsusumikap na makalaya ngayon mula sa pagiging alipin ng alak. Lahat naman tayo, habang nabubuhay, may pag-asa. Nasa sa atin na lamang kung paano tayo kikilos para maging mabuti para sa atin ang pag-asang iyon. Kahit hindi dumating ang puting kabayo at ang prinsipe, kailangang kumilos, gawing pantulak at pasiglahin ang nakikitang pag-asa upang magtagumpay sa anumang mithiin. Gawin nating katotohanan ang mga naiguguhit na plano o balakin ng ating mga pangarap.

Na-realize kong hindi basta-basta ang pag-iwas, lalo na ang pagtanggal sa mga gawain na nakasanayan na ng aking katawan. Ang pagkain sa eksaktong oras ay nakasanayan ko na sa tanghalian. Kapag nagpabaya ako at hindi kumain, sumisikdo ang sikmura ko. Ang paggising at pagtulog sa parehong oras at panahon ay nakakasanayan din. Subukan mong ibahin at siguradong masama ang pakiramdam mo kinabukasan. Biruin mong maging bahagi na ng araw-araw na buhay ko ang pag-inom ng alak. Halos walang palya. Maging sa pagtatrabaho, kasama ko ang alak mula umaga hanggang sa pagpikit ng aking mga mata. Talagang mahihirapan kung sasalungatin ang agos.

Ang pag-alis sa isang bisyo, lalo na nga’t ito’y naging addiction na ay nangangailangan ng detalyado, masusi at determinadong pagkilos. Gaya ng nasabi ko sa isang post, ang addiction ay nakakapit ng mahigpit dahil ayaw PANG pakawalan ng may katawan. At kapag ipinilit na tanggalin, ang sarili niyang katawan ang siya rin niyang kalaban. Paano mo ngayon tatanggalin ang isang bagay o gawain kung sa pagkakaalam mo ay ikaw rin ang mahihirapan?

Dito kasi pumapasok ang mga sintomas ng paghinto tulad ng alcohol withdrawal symptoms. Na magiging sanhi ng pagdadalawang isip ng isang tao upang lubusang itigil ang pag-inom ng alak. Ang mga sintomas na ito ang siyang nagpapalala ng sitwasyon. Ang mga ito ang nagiging dahilan ng mga komplikasyon. SA sandaling makaramdam ng paghihirap ang isang tao dahil sa mga ito, maaaring panghinaan ng loob at bumalik na lamang ang kinagawiang bisyo upang maalis ang mga hindi magagandang pakiramdam na ito.

Kung totoong madali lamang ang huminto sa pag-inom ng alak at makahihinto naman ang isang tao sa lalong madaling panahon kung kanyang gugustuhin, hindi na sana nagsulputan ang mga alcohol rehabilitation centers sa ating panahon. Hindi na sana kailangang gumastos ng maraming tao upang sila’y gumaling. Kung hindi mahirap labanan ang alcohol addiction, hindi na sana nagkaroon ng mga taong naghihirap, at halos mamatay, sa pag-abuso sa alcohol.

Ang katotohan na hindi madaling itigil ang isang bagay na nakasanayan mo na at nakagawa na ng isang malakas na addiction ay isang malinaw na dahilan kung bakit marami pa rin sa atin ang dumaranas ng katakut-takot na hirap at gumagastos ng malaki upang labanan ang alcoholism. At walang dapat sisihin kundi tayo rin. Sapagkat tayo ang siyang nagpaalipin sa bisyong ito.

Ang isang taong matagal nang inaabuso at patuloy na inaabuso ang alcohol ay tunay na naging dependent na. Hindi na niya kayang mabuhay nang wala ang alcohol. Hindi na niya kayang alisin sa kanyang sistema ang alak na naging bahagi na ng kanyang araw-araw na gawain. Sa kasamaan palad, naging isang malakas na mekanismo itong patuloy na kumokontrol sa kanyang buhay. Kaya’t nangangailangan ng malakas na motivations at matatag na determinations para magtagumpay sa hangaring makahinto sa pag-inom ng alak.

Ang mga epekto ng pagiging dependent sa alcohol ang lalong nagpapahirap pa upang labanan ang alcohol addiction. Maraming masasamang epekto, na kung talagang iisa-isahin ay hindi lamang mabibilang sa daliri, ang siyang nagiging pundasyon sa sistema na mahirap buwagin. At ang mga epektong ito, maging pansarili at sa lipunang ginagalawan ang siyang tugmang dahilan kung bakit mahirap para sa isang tao ang maibalik ang control sa kanyang buhay.

Hindi sapat ang paghingi lamang ng mga payo mula sa ibang tao. Hindi sapat ang paghahanap ng mga paraan kung paano hihinto sa pag-inom. Hindi sapat ang paghahagilap ng tips kung paano epektibong makakaalis sa pagiging alcoholic. Dapat talagang samahan ng gawa. Ng kilos. Ng determinadong kilos. Ito ang mas mahalaga. Para saan ang mga payo kung hindi naman isasakatuparan? Mauuwi lamang ang lahat sa laging pagsisimula na walang natatapos.

Kapag naniniwala kang mabisa ang isang paraan at akma sa iyong sitwasyon at kondisyon, gawin mo na agad. Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa. Huwag nang hintayin ang prinsipe na nakasakay sa puting kabayo. Baka ang dumating ay ang nilalang na may hawak ng karit, nakaitim at may talukbong sa ulo. Iyon ang hindi no gusting mangyari. Kumilos ka na ngayon, tuwirin ang tuwid na landas. Tumigil sa mga bisyong unti-unting magdadala ng impiyerno, hindi lamang sa iyong buhay, kundi sa buhay ng mga taong nasa iyong paligid na pinagmamalasakitan at minamahal mo.

Saturday, September 1, 2012

Kilalanin ang Sarili

Paano ba ang tamang paraan ng paglaban sa isang addiction? Magagawa ko ba?

Itinatanong iyan sa akin ng maraming tao. Mga kakilala ko na hanggang ngayon ay umiinom pa rin dahil nahihirapang mag-quit. Mga kaibigan ko na wala yatang balak itigil ang bisyong ito kahit katakut-takot na problema ang ibinubunga ng kanilang paglalasing. Mga taong nakakasama ko noon sa pag-inom na tila manhid na sa mga negatibong epekto ng alak sa kanilang buhay.

Itinatanong din siguro iyan ng maraming tao sa buong mundo, lalo na ‘yung mga taong nagpupumilit na makakawala sa kanilang alcohol addiction. Mga nilalang na gustong maayos ang kanilang buhay ngunit hindi naman yata gumagawa ng paraan upang magbago ito. Mga indibidwal na kulang yata sa kaalaman kung bakit masama ang labis na alcohol sa kalusugan, at sa kanilang buhay, sa pangkalahatan.

Paano nga ba? Parang naiinis ako kapag may nagtatanong sa akin ng ganito. Pero ito ang madalas na maitanong. At ngiti lamang ang tanging isinasagot ko dito.

Alam kong walang “nag-iisang paraan” para makaalpas sa isang addiction. Walang itinadhanang “batas” o “regulasyon” na nagtatakda ng ang “paraang ito” ang siyang gagamitin ng lahat na panlaban sa alcohol addiction. Iba-iba ang sitwasyon ng bawat tao. Ang kondisyon mo ay iba sa kondisyon ko. Ang mga paraan at ang mga sistemang nakatulong sa akin na huminto sa pag-inom ng alak ay maaaring hindi akma sa iyo o sa iba pang tao na may katulad na kondisyon. Ang isang pamamaraan o procedure na ginamit ko halimbawa ay maaaring sa akin lamang epektibo. O maaaring makasama pa sa iyo kung ito rin mismong pamamaraan na ito ang siyang gagawin mo.

Ayokong magpayo ng mga paraan na dapat at kailangan mong gawin. Noong binabalak ko pa lamang ang paghinto sa pag-inom ng alak, gumawa ako ng maraming pananaliksik upang makatulong sa akin. Hindi para sa iba. Ang sitwasyon at ang kondisyon ko ang balak kong baguhin. Hindi ang sa iba. Alam ko kasing ang isang taong lulong sa droga o alak ay nangangailangan ng indibidwal na gamutan. Personalized treatment sabi nga sa English.

Nagbasa ako ng maraming artikulo na nagsasabing ganito ang mga gagawin at ang mga ito naman ang hindi dapat gawin. Sa paglalakbay kong ito, maraming bagay akong natutunan na nakatulong sa aking gamutin ang sarili ko at manatiling hindi umiinom. Simple lang naman ang ginawa ko. Sinunod ko ‘yung mga payo na alam kong akma sa aking kondisyon at itinapon ko ‘yung mga advise na hindi naman tama sa aking sitwasyon.

Ngunit ang pinakamabisang paraan na nakatulong sa akin ng malaki ay ang kaalaman na dapat ko munang alamin ang sarili kong kondisyon. Paano ko malalaman kung ano ang tama sa akin kung hindi ko alam kung ano ang tunay na kalagayan? Kailangan muna akong maging pamilyar sa aking kondisyon at sa aking sariling sitwasyon. Ang mga ito kasi ang siyang magdidikta kung tama ba ang mga ginagawa ko at kung ang mga ito nga ang tamang pamamaraan na para sa akin.

Dito ko sinimulang kilalanin ang aking sarili. Sino ba talaga ako? Ano ang mga dahilan ng paglalasing? Bakit ako umiinom, in the first place? Ano ang mga pangyayari, sitwasyon at bagay na nagbubunsod sa akin na uminom ng alak? Paano ko ito iiwasan? At paano ko babaguhin ang mga ito para sa aking kabutihan?

Sa aking paglalakbay, nalaman ko, ang pagkilala ko nang lubusan sa aking sarili ang siyang pinakamabisang paraan upang simulan ko ang balak kong huminto sa pag-inom ng alak. This is the starting point, sabi nga. Kung alam ko kung sino ako, malalaman ko ang puno’t dulo ng lahat. Mahahanap ko ang mga ugat at dito ako magsisimula. Ito ang una kong bubunutin. Para kapag nawala ang mga ugat ng problema, pwede nang magtanim ulit ng panibago.

Hindi madaling huminto sa anumang bisyong nakasanayan na. Ang mismong sarili mo ang iyong kalaban. Pero, posibleng labanan ang anumang addiction at manalo. Magsimula sa simula. Learn to start at the beginning. Alam ko, kaya ko. At kapag nagawa ko, alam ko, kaya rin ng ibang tao.

Pages